"Excited ako sa bagong chapter ng buhay ko, sa panibagong journey namin ni mama" -Kristel

Cagayan State University - Carig Campus
Time Posted: 2015-10-22 10:01:41

Nagtapos ng Bachelor of Arts in Public Education, minabuti ni Kristel Anne del Castillo na subukang maghanap ng trabaho pagkatapos ng kanyang graduation noong Abril ng 2015. Hindi lingid sa lahat ang kapansanan ni Kristel. Sa katunayan marami ang humanga sa kanyang determinasyon na makatapos sa kabila ng kanyang kalagayan.

Bago mapunta sa CSU, nasubukan niyang magapply ng trabaho sa apat na ahensya ngunit hindi siya pinalad at naramdaman niya ang konting diskriminasyon. "Halata mo naman Ma'am kung tanggap ka o hindi e," sambit niya sa isang panayam habang inaasikaso niya ang mga requirements niya sa Campus HR.

Nang aming tanungin kung anong naramdaman niya ng mabigyan siya ng pagkakataong pagsilbihan ang eskwelahang humubog sa kanya, ito ang kanyang nasabi: "Thankful po ako sa tiwalang ibinigay ng CSU Carig. Excited din po ako sa bagong chapter ng buhay ko.....sa panibagong journey namin ni mama." Ang kanyang ina na laging kasama niya sa apat na taon na pagaaral niya sa CSU, ay makakasama niyang muli sa bagong yugto ng kanyang buhay. Ngayon, bilang isang empleyado ng Cagayan State University.

"For as long as there is professional growth and personal growth in CSU, I will stay." ito ang kanyang nasambit ng aming tanungin kung hanggang kelan siya magtratrabaho dito sa campus.

Message to Kristel

We are glad to have you in the campus. Please know that you were hired because we believe that all persons should be given equal opportunity to work. You were hired because you have something great to offer in the campus. When you stayed in College of Public Administration, everybody in your college saw how eager you were in finishing your studies. Now, we are giving you the chance to work like a normal individual. Work hard and make us proud!

Welcome to CSU Carig Kristel! Keep in your heart the ideals imbibed in you by this university. Help us in providing better service to our students!

Dito sa atin sa CSU Carig, hindi hadlang ang kapansanan upang makapagtrabaho ng marangal.




Back to Top